top of page
Bringing Hope NUEVO.png

Ang PAG-ASA ay isang ministeryo sa ilalim ng Globe Mission Germany e.V., na nakatuon sa paglilingkod sa mga tao, lalo na sa mga bata, sa mga pamayanang sa lunsod ng Maynila.



 

Sa Pag-asa hindi kami naniniwala na may mga tao o sitwasyon na walang pag-asa; gayunpaman, kinikilala namin na maraming mga bata ang lumalaki sa mahirap at mapaghamong mga kapaligiran sa buong mundo na wala pang masyadong pag-asa sa ngayon. Iyon ang dahilan kung bakit tayo naririto, upang gumawa ng hakbang, upang magdala ng pag-asa at dalhin ang mensahe ng Ebanghelyo sa mga bata sa mga lugar ng lunsod na nasa pelegro.
Naniniwala kami na ang pag-iwas ay mas mabuti kaysa sa interbensyon; na ang pag-abot sa susunod na henerasyon sa maagang edad at ipakilala sa kanila ang pag-ibig at pag-asa ni Cristo ay ang pinakabuting pagkakataon na ayusin at dalhin  ang kanilang kamusmusan sa tamang daan.
Nagseserbisyo kami, hindi lamang sa mga bata kundi pati na rin sa kanilang mga pamilya at iba pang mga may sapat na gulang, upang maipaabot sa mga ito ang pag-asa na mayroon kami kay Jesus sa pamamagitan ng salita at gawa bilang isang ministeryo na bou at kompleto, na naroroon para sa bawat isa, at para sa mga kapit-bahay na aming nakasalamuha.
Samahan ninyo kami sa aming adhikain at pananaw upang maikalat ang pagmamahal at pag-asa sa iba`t ibang paraan, lalo na sa mga mahihirap na pamayanan sa lunsod ng Manila sa Pilipinas. 

 
63254.jpg

Sinabi ni Jesus, "Hayaang lumapit sa akin ang mga maliliit na bata, at huwag silang hadlangan, sapagkat ang kaharian ng langit ay pagaari ng mga tulad nila." 


Mateo 19:14

At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ipinadama ng Dios sa atin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.

Roma 5:5

Screenshot001.png

 Samahan ninyo kami, sama-sama nating ibahagi ang pag-asa na meron tayo!

Vision:

Pag-asa ang kahulugan sa salitang Filipino ng salitang Inglish na``hope´´.  Bilang mga manggagawa ng Pag-Asa, layunin namin ang pagpapalawak ng kaharian ng Diyos at pagpapahayag ng Kanyang mabuting balita. Nais naming makita ang mga indibidwal na naaantig ng pag-ibig ng Diyos, lumago sa kanilang relasyon sa Kanya at makahanap ng isang matatag na pag-asa kay Hesukristo. Kung mapangalagaan ang kanilang talento, ang mga indibidwal na ito ay magpapakita ng kanilang potensyal at gamitin ito para sa kaluwalhatian ng Diyos, pati na rin para sa paglikha ng isang mas mabuting kinabukasan para sa kanilang sarili at kanilang mga anak.Nais naming makita ang mga tao na bumagon mula sa kahirapan tungo sa isang matagumpay na buhay at may diwa para sa komunidad. Ang isang espesyal na pokus ay nakatuon sa pagtulong sa mga bata sapagkat hindi pa nila kayang pangalagaan ang kanilang mga sarili at sa dahilang sila ay madaling madala sa hindi mabuting gawain habang sila ay namumuhay sa masalimuot na kalagayan. Ang kabataan ay syang pag-asa ng bukas.

Misyon:

Hinahangad naming bumuo ng mga relasyon,  lalo na sa mga taong salat sa materyal na bagay sa mga kumunidad ng lunsod, upang maipakita sa kanila ang pag-ibig ng Diyos, pasiglahin ang mga nasisiraan ng loob at magdala ng pag-asa sa mga nawawalan ng pag-asa. Ginagawa ito sa pamamagitan ng mga pag-aaral sa Bibliya, pagdalaw sa bahay-bahay, pagbabahagi ng ebanghelyo, pagdarasal, pag-aakay, programa sa malikhaing sining at mga pagsasanay, edukasyon, programa para sa mga kabataan at mga musmus, at mga serbisyo sa simbahan. Bilang karagdagan, nilalayon ng Pag-Asa na pangalagaan ang mga talento at kakayahan at himukin ang mga tao na isabuhay nila ang bigay ng Diyos na pangarap. Sisimulan ng Pag-Asa ang gawaing ito sa Libjo, Parañaque, Manila sa Pilipinas.

Mga Pinahalagahan:

 

1) tiwala at pagiging mapagkakatiwalaan 
2) orientation ng relasyon - pagmamahal, respeto, pag-uunawa, oras, kabaitan, pasensya, kapayapaan at kagalakan
3) pagiging maaasahan at tapat
Ang Pag-Asa ay nakabase sa pagtitiwala sa Diyos, paghihimok sa iba na magtiwala sa Kanya at maging mapagkakatiwalaan sa lahat at mapagkatiwalaan ng Dios na syang nagkaloob ng mapakarami sa atin.
Nais naming isabuhay ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng paggalang at pag-uunawa para sa mga taong nakasalamuha namin, sa pag-gugol ng oras sa kanila, pagkilala sa bawat indibidwal at pagbuo ng mga relasyon. Pinahahalagahan din namin ng subra ang pagiging mapagkatiwalaan at nais naming gumawa ng pangmatagalang pagbabago.

22 Vision.jpg
Vision abajo.jpg
bottom of page