top of page
gina.png
IMG-20200731-WA0017.jpg

Pangalan: Gina Geocada

Bansang Pinanggalingan: Pilipinas

1200px-Flag_of_the_Philippines.svg.png

Ako po si Gina Geocada, 52 taong gulang, isang maybahay, may limang anak at nakatira sa Sitio Libjo, Parañaque, Philippines. Marahil ang maituturing kong pinakalibangan ay ang pang araw-araw na gawain sa loob ng bahay at higit sa lahat ang pagbabasa ng Bibliya bago matulog sa gabi.
Para sa akin, si Jesus ay ang tagapagligtas, hindi lang sa aspetong pisikal, kundi pati rin sa moral at ispiritwal.  Masasabi kong isang patunay dito ay ang pagkakaligtas ng isa sa miyembro ng aking pamilya mula sa nakamamatay na sakit, katuwang ang Pag-asa Hope Never Gives Up Group at ni ate Sara; at marahil iyon ang naging motivation ko upang mas lalong lumalim ang aking pananampalataya at paglilingkod sa panginoon. 
Bago ako sumali sa Pag-asa Mission sa Libjo, ay tumutulong na ako kay ate Sara paminsan-minsan sa mga gawain dito sa aming lugar noong wala pa ang pandemya.
Dahil sa pandemya at nag-lockdown dito sa Pilipinas ay umuwi si ate Sarah sa Germany, ako ang inatasan niya na gumagawa sa mga gawain dito sa aming lugar tulad ng feeding program, pagbabahagi ng mga relief goods, palaro para sa mga bata at higit sa lahat ang pagtuturo sa kanila ng aral ng salita ng Dios. Ang lahat ng ito ay aking ginagampanan nang may pagsunod sa mga health protocols ng bansa.

ZZZZZZZZZVB.png
gina.png
bottom of page